PATALASTAS
DISCOUNT PARA SA PAGBABAYAD NG BUWIS (REAL PROPERTY TAX)

by TREASURERS OFFICE GENERAL TINIO
October 28, 2024
PATALASTAS
IPINABABATID NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG INGAT-YAMAN DITO SA BAYAN NG GENERAL TINIO, NUEVA ECIJA NA ANG PAGBABAYAD NG BUWIS SA ARI-ARIANG DI NATITINAG GAYA NG LUPA, BAHAY, GUSALI AT MAKINARYA (REAL PROPERTY TAX) PARA SA TAONG 2025 AY MAYROONG:
20% DISCOUNT PARA SA ADVANCE PAYMENT
(HANGGANG DISYEMBRE 31, 2024)
10% DISCOUNT PARA SA PROMPT PAYMENT
(HANGGANG MARCH 31, 2025)
MAARI RING BAYARAN ANG BUWIS NG HULUGAN (INSTALLMENT):
- 1ST QUARTER ENERO 1 -> MARSO 31, 2025
- 2ND QUARTER ABRIL 1 -> HUNYO 30, 2025
- 3RD QUARTER HULYO 1 -> SETYEMBRE 30, 2025
- 4TH QUARTER OKTUBRE 1 -> DISYEMBRE 31, 2025
PARA SA KARGDAGANG KAALAMAN. MAKIPAG-UGNAYAN SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG INGAT-YAMAN SA PAMAHALAANG BAYAN NG GENERAL TINIO O SA PANLALAWIGANG INGAT-YAMAN SA KAPITOLYO, LUNGSOD NG PALAYAN, NUEVA ECIJA.
MELANIE Q. RAMOS
PAMBAYANG INGAT-YAMAN
ENGR. ISIDRO T. PAJARILLAGA
PUNONG BAYAN
[ END OF ARTICLE ]
About the Website
Welcome to the Municipality of General Tinio, a Peace and loving municipality in the eastern part of the Province of Nueva Ecija
On behalf of our people, I am inviting you to explore the pages of this site and you will learn the variety of information and services for residents and visitors alike.
This site is conceptualize for the purpose of providing service to our constituents and people around the world who are interested to know, learn and be updated about our municipality.
We believe in the power of community, and we have built this platform to foster meaningful connections among our users.
We value your feedback and suggestions, so please feel free to reach out to us with any comments or ideas you may have and inputs are important to us.
It is my hope that you will find this site informative, useful and interesting.
Thank you for visiting our website and God bless us all. Mabuhay Papayanos!
You may also reach us through our official social media accounts in the links below.
DIALYSIS CENTER BINUKSAN SA BAYAN NG GENERAL TINIO
Isang Makasaysayang Araw para sa Bayan ng Heneral Tinio!
Ang Lokal na Pamahalaan ng General Tinio, Nueva Ecija sa pamumuno ng butihing Mayor Isidro T. Pajarillaga ay nangarap na makapagpatayo ng isang Multi-purpose Building para sa lahat ng Barangay na nasasakupan nito. Ngayong ika-27 February, 2025 naganap ang isang makabuluhang seremonya ng pagbabasbas na pinangunahan ni Rev. Father Reynaldo R. Gregorio, Jr. Ang gusali ay matatagpuan sa Barangay Concepcion, General Tinio, Nueva Ecija.
Sa araw ding ito ay isinagawa ang **Signing of Certificate of Turn-over and Acceptance **ng nasabing gusali. Ang pondo ng pagpapagawa ay nagmula sa SGLG Incentive Fund 2023 na nakamit ng ating bayan sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan Engr. Isidro Pajaraillaga noong nakaraang taon. Ang proyektong ito na Dialysis Center ay isinagawa upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang sumasailalim sa hemodialysis. Bagamat hindi sapat ang nasabing halaga sa pagpapagawa nito tumulong ang ating **Punong Lalawigan Aurelio M. Umali **upang matapos ang nasabing gusali. Si Provincial Director DILG-Nueva Ecija Atty. Ofelio A. Tactac Jr. CESO-V ang naging pangunahing tagapagsalita sa nasabing okasyon. Isinagawa din ang Unveiling of SGLG-Incentive Fund at LGU-General Tinio Commemorative Markers sa pangunguna ng ating Punong Bayan Engr. Isidro Pajarillaga at Atty. Ofelio Tactac na katunayan na opisyal ng pinagkaloob sa bayan ng Heneral Tinio ang proyektong ito.
Ayon sa ating butihing Mayor “Ang proyektong ito ay nagsimula lamang sa isang munti at napakagandang pangarap para sa kanyang mamamayan ng Heneral Tinio.” Sapagkat ayon sa kanya nakita niya ang sakripisyo ng isang pasyente na sumasailalim sa dialysis. Batid niya ang paghihirap ng isang pamilya sa mga gastusin sa pagpapagamot. Kaya ang kanyang pangunahing layunin ay mailapit ang dialysis facility sa lahat ng mga pasyenteng nangangailangan. Dagdag pa dito ay makapagbigay ng tuloy-tuloy na serbisyong medikal upang ang kanilang mahal sa buhay ay hindi na mangamba kung saan hahanap ng kanilang panggastos.
Sa huli ay ginanap ang Unveiling of Prime Dialysis Signage na pinangunahan nina Mayor Isidro T. Pajarillaga, Dr. Marr Enrico Ador at Prime Dialysis Center Inc. CEO Dr. Gjay Ordinal. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating Lokal na Pamahalaan ng Heneral Tinio at ng Prime Dialysis Center, Inc., na ang pangunahing misyon ay makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga dialysis patient.
Dumalo din ang mga opisyales ng Barangay Concepcion sa pangunguna ni Punong Barangay Eugenio T. Pajarillaga Sr. kasama ang kanyang mga Kagawad. Gayundin dumalo ang mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan na kinabibilangan nina Konsehal June Abeamis, Konsehal Luther Pajarillaga, Municipal Administrator Dr. Gerarda R. Rivera, LGOO VI Edgardo M. Adriano Jr., at Engr. Gerald Placido Calma at iba pang mga pinuno ng tanggapan ng ating bayan.
Tunay ngang masasabi na hindi imposibleng mangarap higit lalo sa ikabubuti at ikauunlad ng isang bayan.
Mabuhay ang Bayan ng General Tinio.
VISION and MISSION of the MUNICIPALITY
VISION
General Tinio envision as an agri-tourism hub in Central Luzon with God-centered, empowered, healthy, and educated citizenry in a progressive, disaster-resilient, peaceful and well-protected environment, governed by firm and dedicated leaders.
MISSION
To become a city that will be agriculturally productive, progressive and orderly manage with a self-reliant community enjoying access to major basic services and to pursue Integrated Development Approach that promotes total welfare of the people with the Local Government Unit that practices an effective, ethical, gender-responsive, environmentally friendly, good governance and people empowerment that is geared towards progress and prosperity.
NEUST Papaya Campus Enrollment for AY 2024-2025
Headlines
View All HeadlinesArticles
View All ArticlesOur Location
Visitor Counter
Loading...
Upcoming Events
View All EventsExplore the Town
Explore the amazing paradise of General Tinio, Nueva Ecija
Get In Touch
Have any questions? We'd love to hear from you.